Coming from the best interview I’ve ever had (I don’t mean this sarcastically. It was a great interview with a very intelligent, poised and warm interviewer), I found out (1) that I won’t be able to submit my IELTS application, just when I was able to have the money to pay for it, because of my lack of foresight; (2) that JC has just made another of his gazillion lame excuses to not meet up with me and Leng; (3) that Leng has a prior commitment this afternoon and will only be available nighttime; and (4) that Precs has her training until 8:30 so I won’t able to ask her what she thinks about what’s happening and why it’s happening.
I found myself crying inside my car, after a couple of months of not being able to do so. One really shouldn't cry and drive. And I was travelling in EDSA, mind you. With just one interview, all of my issues in life flashed before me and wham! my falls of tears started flowing. I don't even remember how i was able to reach malate..
But it was nice to pour out my emotions like that. With no one to see the tears, no one to hear the cries..
I was on the Kamuning flyover when I uttered a silent prayer and surrendered everything to Him.. I felt really good and calm afterwards..I knew it wouldn't be easy..But I knew He'd help me get through..
1.25.2007
1.23.2007
unpleasant awakening
After a long time, I dreamt of he-who-should-not-be-named again. Seeing his face in my dreams sent a jolt of energy inside me. Like before, my eyes immediately opened and I felt that heavy feeling in my chest again. His image awoke all my senses, that when Ate asked me to iron out her uniform I was able to do so without any hesitations. I wonder what is it that made me dream about him. Does this mean that I subconsciously think of him before I sleep? Is this a sign that I will be seeing him again soon? Did something happen to him? I don’t know the answer. All I know is that I still am not ready to see him. I’m much better now compared to a year ago. But I’m still in the early stages of healing. Something in me is still vulnerable to him. A part of me still bleeds. I know I’m taking small steps to completely cure my heart. That is why I think I can’t see him yet. I am not prepared for that. It may just pry open the slowly healing wound…
What a way to start my day…
What a way to start my day…
1.16.2007
batang puso
Hindi iisa ang nagsabi na makakatulong sa pag-galing ng mga sugat sa loob ko ang makahanap ng isang taong muling magbibigay ng kakaibang kulay at saya sa buhay ko. Ilang beses ko mang pag-isipan kung ano ang dahilan nila sa pagsasabi nito, wala akong mabibigay na posibleng kongkretong basehan nila. Ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi ko naisip na maari ngang manumbalik ang saya at sigla ko sa pagkabuhay kapag nakahanap ako ng taong mamahalin at magmamahal sakin.
Sa nagdaang isang taon at kalahati, mabibilang ang mga pagkakataong nagkagusto ako at nag-isip na muling isugal ang naghihilom pang puso ko. May mga taong nagpakita ng kabaitan at pag-aalaga. Ngunit sila ay nakatakdang maging mga kaibigan lamang. May mga taong mula sa nakaraan na muling nagparanas ng pagpapahalaga. Ngunit sadyang hindi pa yata panahon para maulit o madugtungan ang mga nangyari na. Ang mga dumaang pagkakataong ito ay parang nagsasabing wag muna akong pumasok sa isang relasyon. Marahil alam ng mga pagkakataong ito na hindi pa ako handa, na marami pa kong dapat matutunan, na hindi pa oras para muling ibahagi ang buhay ko sa iba.
Binibigkas muli ang mga “hindi” na ito ngayon. Ngayon kasi nangangahas mahulog ang pagaling ng damdamin ko. Isang tao na matagal ng nasa paligid ang pumasok sa aking mundo. Isang tao na bahagi ng tinuturing kong tanging kayamanang taglay ko. Nagsimula ito, tulad ng sa karamihan, sa paghanga sa taglay na matipunong tindig at maamong mukha. Sapat na sana ang titigan siya mula sa pagkakaupo ko sa may likuran. Sapat na sana ang sulyapan siya sa kaniyang pagdaan. Ngunit sadyang sinusubok ako ng mga pagkakataon. Naging malapit ako sa kapatid niya na ubod ng lambing. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalapit na din sa kaniya.
Nakababatang kapatid na talaga ang turing ko sa kapatid niya bago pa man ang mga nangyari nitong nakaraang dalawang linggo ng bagong taon. Marahil dahil parang nakikita ko ang sarili ko sa batang iyon. Maraming mga bagay na halos pareho kami. Pareho kaming “bunso” sa dalawang magkapatid, parehong pinaturuang tumugtog, pareho sa hilig na laro, at parehong may patagong bisyo. Mas angat nga lamang siya sa lahat ng mga nabanggit ko. Nananatili siyang bunso, mataas ang lebel na inabot siya sa larangan ng pagutgtog, pinaghuhusay pa niya ang kaniyang paglalaro, at mas madalas siyang masumpungan sa bisyong tago. Ang mga pagkakaparehong ito ay sa panlabas lang. Ngunit pakiramdam ko, maaaring magkapareho din kami sa ibang pag-uugali at pananaw namin sa buhay. Sa murang edad niya, tulad ko noon, mulat na siya sa mga problemang nasasagupa sa buhay, sa mga pagsubok na nararanasan ng isang estudyante, at sa mga nadadagdag na responsibilidad sa kanya. Hindi ko man sigurado pa hanggang ngayon, ngunit pakiramdam ko, katulad ko siya na masunurin pero may posibilidad na magrebelde. Salamat na lamang sa maayos na pagpapalaki at sa gabay ng kinamulatang relihiyon, ang pagrerebelde namin ay maituturing na mahina, maliit at naitutuwid pa.
Marahil, ang tanging pinagkaiba ko sa kaniya ay ang pagmamahal ko at pagbigay ng sarili ko sa isang taong nagdesisyong mawala na sa buhay ko. Buti na lang at mukha namang malayo sa isip ng batang iyon ang mga ganitong bagay. Lamang, barkada ang kaniyang nagiging takbuhan. Kaya naman hangga’t maaari, nais kong mas maging malapit pa sa kaniya para kahit paano ay unti-unti ng matama ang anomang maling ginagawa at masabihan sa mga bagay na maaaring pagsisihan niya sa huli. Kung maaari lamang kasi, wag siyang umabot sa edad ko bago pa man niya matuklasan ang tama o magandang pagtingin sa lahat ng nangyayari sa buhay. Sana lamang ay hindi niya isipin na ang lahat ng pinakikitungo ko sa kaniya ay dahil lamang sa pagkakagutso ko sa kuya niya. (Sinabi ko na sayo ito, P. Mahal kita. Kuya mo, gusto ko lang =) )
Kung bakit naman kasi nasimulan pa ang pag-uusap namin. Hindi naman talaga kami nagpapansinan. Hindi naman talaga kami nag-uusap. Bakit nga ba nagbago ang lahat? Bakit kasi kinailangan pa niyang sumagot sa mga tanong ko? Bakit kasi kinailangan pang magtanong siya tngkol sakin? Bakit kasi kinailangan pang magsabi ng mga bagay na hindi naman malaman kung biro o hindi, kung may laman o wala, dahil sa pamamagitan lamang ng teknolohiya nasabi? Naisip ko baka heto na naman ako, ginagawang malaking isyu ang hindi naman dapat. Naisip ko baka nagpapadala lamang ako sa anomang nararamdaman o nais na maramdaman ko. Nais kong malaman ang pananaw ng iba sa mga nangyayari, sa komunikasyong namamagitan samin, kung may basehan ba ang mga naiisip at nararamdaman ko. Pumasok tuloy sa isip ko na sa kabila ng edad at mga naranasan ko, bata pa rin na maituturing ang puso ko.
Daig ko pa ang isang dalagita na nakararanas ng tinatawag ng iba na “puppy love.” May mga ngiting hindi mapigilan. May mga kilig na hindi maiwasan. May mga paggawa ng magaganda at masasayang istorya sa isip na hindi matigilan. Higit sa lahat, may mga mahahalagang bagay na pilit isinasantabi para lamang sa mga saglit na kasiyahan. Mga bagay gaya ng mas batang edad niya at ang pagakakaroon na niya ng minamahal. Marahil sasabihin ng iba, ano naman ang dalawang taon na pagitan kung nagkakasundo o nagmamahalan naman ang dalawang tao. Ngunit may babae na sa buhay niya, at apat na taon ng bahagi ng buhay niya ang taong iyon. May nakapagsabi sakin na hindi lalaon ay maghihiwalay din sila. Lalo na’t nalalapit ang pagsuong nila sa mundong labas ng paaralan. Wala akong gustong paniwalaan, wala akong gustong panghawakan.
Marahil natatangay lang talaga ako ng pagnanais na makaranas muli ng pagmamahal, ng paghahangad na muling magmahal at mag-alaga. Na hindi naman dapat. Nasa mga simulang bahagi pa lang ng paghihilom ang puso at pagkatao ko. Dapat ay matatag at matibay na ako sa lahat ng aspeto bago pa man ako sumubok muling magmahal. Dahil baka mabuwag lamang muli ang matagal ko nang pinipilit na mabuong pagkatao. Hindi ko na nais maranasan pa ang lahat-lahat ng pinagdaanan ko. Kailangan ay mahal na mahal ko muna ang sarili ko bago ako muling magmahal ng iba.
(itutuloy…)

1.10.2007
happiness
my "best-est" friend finally got what she deserves. ultimate happiness! she's such a loving person, a very talented lady, and a wonderful daughter and sister. her *atchiness that people see sometimes comes with the job. her work demands it from her [right, teng ;-)].
she's found her soulmate, the man of her dreams, her knight in shining armour. i'm so happy for her. i can see her glow, i can feel her bliss. a really amazing woman like her deserves all the best things in this world.
you and bojeck are always in my prayers, teng. you know that. love you!

Subscribe to:
Comments (Atom)