fave word lately: hay!
just can't seem to utter anything else nowadays. magsama-sama ba naman ang confusion, feeling of worthless-ness and helpless-ness, desperation, at kung ano-ano pang magugulong damdamin.
hay...
di lang sa hindi ko nakukuha ang mga gusto kong maging sagot sa mga tanong ko, kundi walang sagot sa karamihan ng mga tanong na ito. dagdag pa na hindi ko alam kung saan lulugar, kung papaano gagalaw. ayokong ipilit ang di ukol, pero ayoko ding bayaang tadhana ang gumawa para sa akin. paano ko malalaman kung hanggang saan lang ang dapat kong gawin? paano ko malalaman na hindi ito pamimilit ng hindi para sa akin? paano ko malalaman kung may iba pa palang nakalaan sa akin?
hay...
ayoko ng magtagal pa dahil sa takot na bumalik sa mga nakasanayang gawin. sa takot na muling malugmok sa malalim at madilim na lugar na pilit kong nilabasan nitong nagdaang taon. hindi ko lang basta nakita ang maaliwalas na ulap. nagkaroon na rin ako kahit pano ng lakas at tibay ng loob para makalabas sa malalim at madilim na lugar na iyon. ayokong masayang ang walang sawang pagpapaalala at pag-aalala ng mga taong nagsilbing mga anghel mula sa maaliwalas na ulpa. ayokong bumalik sa kalagayang hindi alam ang kahalagahan ng pananatiling buhay sa kabila ng minsang pagkamatay ng puso.
hay...
kailangan ko ng umalis.
No comments:
Post a Comment